Sunday, May 22, 2011

Munggo tuwing Biyernes

Hindi ko alam kung bakit,paano at saan nanggaling ang tradisyon na pagkain ng ginisang munggo tuwing biyernes. Napapansin ko na sa tuwing sasapit ang araw ng biyernes,makikita mo na sa mga karinderya ang niluto nilang ginisang munggo. Sa office,merong nagrarasyon ng lunch namin. Araw-araw,may naka-scheduled na uulamin.Pabago-bago naman ang putahe bawat araw maliban na lamang kapag araw ng biyernes at yun nga ay "munggo". At dahil masyado akong nabagabag,sinearch ko sa google ang mga dahilan kung bakit tuwing biyernes lang inuulam ang munggo and here it goes:

    1. Marami daw kasing bad spirits every friday at munggo ang panlaban dun.(huh!)

    2. Masyado daw kasing maluho ang mga tao sa pagkain between monday to thursday kaya  pagdating  ng friday wala ng budget kaya munggo na lang ang kinakain. (lolz!pano kung payday ang friday?hehe)

    3. It's a catholic belief na bawal ang karne every friday kaya munggo ang inuulam nila.(which is ngayon ko lang narinig)

Iyan ang paulit-ulit kong nabasa sa pagsasaliksik ko kung bakit tuwing friday lang ang pagkain ng munggo. Wala talagang nakakaalam kung bakit. Siguro,nakasanayan na lang nating mga pilipino ito. Pero,kelan naman kaya nagsimula ito? Panahon kaya ng ano? Kastila?Hapon?Amerikano?Ah,ewan!! Hayaan na lang naten..masarap naman ang munggo,e..hehehe..Lalo na pag kumpleto rekados..pag may halong baboy, chicharon, o kaya hipon tapos dahon ng ampalaya (kala ko dati dahon ng sili) at minsan may sahog na talong.(ganun magluto mama ko ng munggo,e..hehe) Mmmmm,nagutom tuloy ako. Makapag-ulam nga ng munggo bukas kahit hindi friday.=)


            

No comments:

Post a Comment