Ito ang unang pagkakataon na susubok akong magsulat sa blog.Dati ko pa naisip ito pero hindi ko sya matuloy-tuloy.Ngayon lang,hehe..Wala kasi akong magawa kaya naisip kong mag-blog na rin katulad ng iba. Isa pa,mahilig din naman akong magbasa ng blog ng iba.Isa sa mga idol ko pagdating sa blog ay ang http://kwentongtambay.com/. Simple lang ang blog na ito pero marami kang matutunan.At isa pa,nakakatawa siya,hehe..Isa pang dahilan kaya gusto kong subukan ang blogging dahil maraming pilipino ang kumikita dito pero hindi ko naman alam kung paano..Siguro next time ko na lang aalamin yun,hehe..
Hindi ko alam kung bakit pinoyshomay ang ipinangalan ko sa blog ko. Siguro yun na ang pinakamalapit na pwede kong i-describe sa pagkatao ko.Kasi mahilig ako sa siomai at dahil pinoy ako,hehehe..Ang korni diba?Hindi ko alam kung bakit ako mahilig sa siomai.Kahit anung klaseng siomai kinakain ko.Kahit yung mga binebenta sa kariton na tig-2.50.Basta siomai okey na sakin...Hindi naman ako Intsik pero mahilig din ako sa pansit at sa mami.Pwera siopao..hindi ko siya masyadong gusto.(hehe!) Back to my blog, iniisip ko pa dati kung anung klaseng blog ba ang isusulat ko,kung tagalog ba o english? Pero dahil hindi ako kasing galing mag-english ng mga call center agent sa RCBC,ginawa ko na lang siyang tagalog.Baka ma-nosebleed pa ako,hehe...Isa pa,baka pag-english ang ginawa ko isang sentence lang ang maisulat ko.
About Me??Hmmmm....wala akong masyadong maide-describe sa sarili ko. Simple lang akong mamamayan..nagtatrabaho sa isang kilalang kumpanya sa isang kilalang gusali sa isang kilalang siyudad. Pag hindi nyo pa ako nakilala ewan ko na lang,hehe...Mahilig akong mag-trip at isa sa favorite kong trip ay FOODTRIP!!!! haha!! Hindi ako mahilig mamasyal sa kung saan-saan..mahiyain(?) kasi ako,e.Mas gusto ko pang nasa bahay na lang kasama ang aking pamilya,naks! Isa pa gastos lang pag namasyal kaya sa bahay na lang ako,hehe.. Haayy,hanggang dito na lang muna siguro 'tong blog na ito. Mag-iisip pa ako ng maisusulat sa mga susunod na kabanata (as if naman may magbabasa,hehe..) Vavushhh!!!!=)
No comments:
Post a Comment