Saturday, June 4, 2011

Fasfood with free wi-fi

Okey din ang mga fastfood na may free wi-fi,no? Malakas na pang-hatak sa mga customer. Simula ng magkaroon ako ng laptop ay nahilig na ako sa pagsu-surf sa internet. Siyempre, anong use ng laptop mo kung hindi mo gagamitin sa pag-iinternet,di ba? Kaya lang,nakakainis pag sobrang bagal ng broadband na ginagamit mo. Yung tipong 10 years bago mag-load yung page..Badtrip!! Kaya minsan,kahit mamasahe pa ako ay mas gusto kong mag-wifi na lang sa mall..mas mabilis na,malamig pa. Yun nga lang,syempre pag sa fastfood ka magwa-wifi,kelangan mo ring kumain para hindi naman makapal ang muka mo,di ba? Pero meron din namang hindi umoorder..nakiki-wifi lang talaga..mga kapal-muks,hehe..Ako,ang pinaka-favorite kong place kung saan pwedeng mag-wifi ay ang BK!! Yep! Burger King! Bukod sa mabilis ang internet nila, meron pa silang mga wall outlet na pwedeng saksakan pag na-lowbat na ang mga lappy nyo. Unlike sa iba na wi-fi connection lang talaga ang inooffer. Sa BK, pwede kang mag-surf hanggang gusto mo hanggang sa mag-sawa ka. Hindi ka magwo-worry na malo-lowbat ka. No wonder maraming customer ang Burger King.Plus,masasarap pa ang mga burger nila..at ang aking pinaka-favorite?ONION RINGS!!!Mmmmmm!! Sana, dumami pa ang mag-offer ng ganitong services. Not only wi-fi connection but also plug connection,haha!Happy surfing to me!=)

Thursday, May 26, 2011

Bagong buhay sa aming bahay

Isang magandang balita ang dumating ngayong araw na ito bukod sa dumating na ang aking loan sa SSS.(hehe!!) Nanganak na ang asawa ng kuya ko kaninang magaala-sais ng gabi at ito ay isang bouncing baby girl!!Yipeeee!!! Nadagdagan na naman ang makukulit kong pamangkin!! At nadagdagan na naman ang reregaluhan ko sa pasko!!Hehe..Ang anak ng kuya ko ang pang-lima sa aking mga pamangkin at take note!Puro sila babae..Haayy,kelan kaya ako magkakaroon ng pamangkin na lalaki?Pati mga inaanak ko,puro din babae..Haayy...Nakakasabik tuloy magkaroon ng batang lalaki sa bahay,hehe..Kaya ako, pag nagkaanak ako gusto ko lalaki para meron ng siga-siga sa bahay..:) Eto nga pala ang picture ng aking newly born pamangkin..cute niya noh?=) Welcome to the world, Baby Erica Beatrice!!:)


Sunday, May 22, 2011

Munggo tuwing Biyernes

Hindi ko alam kung bakit,paano at saan nanggaling ang tradisyon na pagkain ng ginisang munggo tuwing biyernes. Napapansin ko na sa tuwing sasapit ang araw ng biyernes,makikita mo na sa mga karinderya ang niluto nilang ginisang munggo. Sa office,merong nagrarasyon ng lunch namin. Araw-araw,may naka-scheduled na uulamin.Pabago-bago naman ang putahe bawat araw maliban na lamang kapag araw ng biyernes at yun nga ay "munggo". At dahil masyado akong nabagabag,sinearch ko sa google ang mga dahilan kung bakit tuwing biyernes lang inuulam ang munggo and here it goes:

    1. Marami daw kasing bad spirits every friday at munggo ang panlaban dun.(huh!)

    2. Masyado daw kasing maluho ang mga tao sa pagkain between monday to thursday kaya  pagdating  ng friday wala ng budget kaya munggo na lang ang kinakain. (lolz!pano kung payday ang friday?hehe)

    3. It's a catholic belief na bawal ang karne every friday kaya munggo ang inuulam nila.(which is ngayon ko lang narinig)

Iyan ang paulit-ulit kong nabasa sa pagsasaliksik ko kung bakit tuwing friday lang ang pagkain ng munggo. Wala talagang nakakaalam kung bakit. Siguro,nakasanayan na lang nating mga pilipino ito. Pero,kelan naman kaya nagsimula ito? Panahon kaya ng ano? Kastila?Hapon?Amerikano?Ah,ewan!! Hayaan na lang naten..masarap naman ang munggo,e..hehehe..Lalo na pag kumpleto rekados..pag may halong baboy, chicharon, o kaya hipon tapos dahon ng ampalaya (kala ko dati dahon ng sili) at minsan may sahog na talong.(ganun magluto mama ko ng munggo,e..hehe) Mmmmm,nagutom tuloy ako. Makapag-ulam nga ng munggo bukas kahit hindi friday.=)


            

Introduction

Ito ang unang pagkakataon na susubok akong magsulat sa blog.Dati ko pa naisip ito pero hindi ko sya matuloy-tuloy.Ngayon lang,hehe..Wala kasi akong magawa kaya naisip kong mag-blog na rin katulad ng iba. Isa pa,mahilig din naman akong magbasa ng blog ng iba.Isa sa mga idol ko pagdating sa blog ay ang http://kwentongtambay.com/. Simple lang ang blog na ito pero marami kang matutunan.At isa pa,nakakatawa siya,hehe..Isa pang dahilan kaya gusto kong subukan ang blogging dahil maraming pilipino ang kumikita dito pero hindi ko naman alam kung paano..Siguro next time ko na lang aalamin yun,hehe..
                    Hindi ko alam kung bakit pinoyshomay ang ipinangalan ko sa blog ko. Siguro yun na ang pinakamalapit na pwede kong i-describe sa pagkatao ko.Kasi mahilig ako sa siomai at dahil pinoy ako,hehehe..Ang korni diba?Hindi ko alam kung bakit ako mahilig sa siomai.Kahit anung klaseng siomai kinakain ko.Kahit yung mga binebenta sa kariton na tig-2.50.Basta siomai okey na sakin...Hindi naman ako Intsik pero mahilig din ako sa pansit at sa mami.Pwera siopao..hindi ko siya masyadong gusto.(hehe!) Back to my blog, iniisip ko pa dati kung anung klaseng blog ba ang isusulat ko,kung tagalog ba o english? Pero dahil hindi ako kasing galing mag-english ng mga call center agent sa RCBC,ginawa ko na lang siyang tagalog.Baka ma-nosebleed pa ako,hehe...Isa pa,baka pag-english ang ginawa ko isang sentence lang ang maisulat ko.
                    About Me??Hmmmm....wala akong masyadong maide-describe sa sarili ko. Simple lang akong mamamayan..nagtatrabaho sa isang kilalang kumpanya sa isang kilalang gusali sa isang kilalang siyudad. Pag hindi nyo pa ako nakilala ewan ko na lang,hehe...Mahilig akong mag-trip at isa sa favorite kong trip ay FOODTRIP!!!! haha!! Hindi ako mahilig mamasyal sa kung saan-saan..mahiyain(?) kasi ako,e.Mas gusto ko pang nasa bahay na lang kasama ang aking pamilya,naks! Isa pa gastos lang pag namasyal kaya sa bahay na lang ako,hehe.. Haayy,hanggang dito na lang muna siguro 'tong blog na ito. Mag-iisip pa ako ng maisusulat sa mga susunod na kabanata (as if naman may magbabasa,hehe..) Vavushhh!!!!=)