Saturday, June 4, 2011
Fasfood with free wi-fi
Okey din ang mga fastfood na may free wi-fi,no? Malakas na pang-hatak sa mga customer. Simula ng magkaroon ako ng laptop ay nahilig na ako sa pagsu-surf sa internet. Siyempre, anong use ng laptop mo kung hindi mo gagamitin sa pag-iinternet,di ba? Kaya lang,nakakainis pag sobrang bagal ng broadband na ginagamit mo. Yung tipong 10 years bago mag-load yung page..Badtrip!! Kaya minsan,kahit mamasahe pa ako ay mas gusto kong mag-wifi na lang sa mall..mas mabilis na,malamig pa. Yun nga lang,syempre pag sa fastfood ka magwa-wifi,kelangan mo ring kumain para hindi naman makapal ang muka mo,di ba? Pero meron din namang hindi umoorder..nakiki-wifi lang talaga..mga kapal-muks,hehe..Ako,ang pinaka-favorite kong place kung saan pwedeng mag-wifi ay ang BK!! Yep! Burger King! Bukod sa mabilis ang internet nila, meron pa silang mga wall outlet na pwedeng saksakan pag na-lowbat na ang mga lappy nyo. Unlike sa iba na wi-fi connection lang talaga ang inooffer. Sa BK, pwede kang mag-surf hanggang gusto mo hanggang sa mag-sawa ka. Hindi ka magwo-worry na malo-lowbat ka. No wonder maraming customer ang Burger King.Plus,masasarap pa ang mga burger nila..at ang aking pinaka-favorite?ONION RINGS!!!Mmmmmm!! Sana, dumami pa ang mag-offer ng ganitong services. Not only wi-fi connection but also plug connection,haha!Happy surfing to me!=)
Subscribe to:
Comments (Atom)